ICT POWERFUL TOOLS

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng ICT

https://www.dreamstime.com/photos-images/ict.html

Introduction

    Ano nga bang ibig sabihin ICT?  Ang ICT  ay tumutukoy sa teknolohiya na meron tayo ngayon na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang magproseso, lumikha o magbahagi ng impormasyon. Ang ilan sa mga ginagamit nila ay ang cellphone, computer, radyo, telebisyon at internet na tumutulong sa atin upang makipag komunikasyon sa ibang tao.

    Ano nga ba ang ICT strand? Ang ICT strand ay isang uri nang akademikong asignatura na kung saan kinapapalooban ito ng tungkol sa teknolohiya at pakikipagkomunikasyon. Maraming mag-aaral ngayon ang nahuhumaling sa strand na ICT dahil ngayon ay puno na tayo ng teknolohiya at nais din ng mga mag-aaral na nahuhumaling dito na matuto pa ng lubusan ang paggamit sa ating teknolohiya. Ang pangunahing pinag-aaralan sa strand na ay ICT ay kung paano ka dapat gumamit ng wasto ng computer, paggamit rin ng mga software ang pangunahing tinuturo dito tulad nalang ng pagtuturo kung paano mag animation gamit ang computer, gumawa ng website gamit ang (Hyper Text Mark-Up Language) o mas kilala sa tawag na HTML, at iba pa. Dahil sa ICT na strand mas matutunan mo makipagkomunikasyon at matuto pa ng malalim sa computer.


Facebook ang isa sa popular na app ngayon dahil sa madami ang nagagawa mo sa app na ito tulad nang kaya mong makipag komonikasyon sa iyong mga mahal sa buhay na malayo sa iyo. February 4, 2004 ng mailabas sa publiko ang facebook na inimbento ni Mark Zuckerberg, kasama sina Eduardo Saverin, Dustin Moskovitz at Chris Hughes na mga estudyante sa Harvard University. Ang Facebook ay isa sa pinakamalaking social network sa buong mundo, na may humigit na isang bilyon ang gumamit ng Facebook taong 2012 at patuloy pa itong nadadagdagan hanggang ngayon. 
  
     Ito ay naging patok sa publiko dahil sa madami kang pedeng gawin sa Facebook tulad nalang ng pede kang mag upload ng mga pictures mo dito, pede ka ding makahanap ng mga bagong kaibigan dahil sa facebook at higit sa lahat naging patok ito dahil madali mo ng makakausap ang mga taong mahal mo sa buhay na nasa abroad o malayo sayo gamit lang ang Facebook. Isa ang Facebook sa pinagkukunan ng impormasyon sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, kaibigan, at maging sa edukasyon. Dahil sa Facebook mas naiihayag natin ang ating mga saloobin at mas nakikilala natin ang mga sarili natin, at natuto din tayo makipagusap sa ibang tao. Ngunit minsan Facebook din ang nagiging dahilan kung bakit tayo napapahamak halimbawa nalang kunware ikaw ay nagpost ng picture mo at naglagay ng location kung nasaan ka, pwede kang mapahamak kahit hindi pinaplano tulad nalang ng pangingidnap at iba pa.

    Napakahalaga ng teknolohiya sa ating buhay dahil kung wala ito mananatili tayong mahihirapan sa pakikipagkomunikasyon at nagagamit natin ito sa ating pag-aaral, pagtatrabaho at paglilibang iba pa. Teknolohiya din ang nagiging sanhi kung bakit napapadali ang ating mga gawain sa buhay ngunit dapat din nating limitahan ang pag gamit nito at dapat pa din nating isipin ang ating mga kalusugan. Hindi dapat teknolohiya ang nagkokontrol sa atin dapat tayong mga tao ang nagkokontrol sa teknolohiya sapagkat tayo rin naman ang dahilan kung bakit nabuhay itong mga teknolohiyang ito. 



   

Comments

Popular Posts